330 - Ang Iyong Pangako

Ang Iyong pangako'y kung mangagpisan
Dalawa o tatlo sa 'Yong pangalan
Sa kanilang gitna'y naro'n Ka naman,
Ito Panginoo'y inaasahan!

REFRAIN

Kami'y pagpalaing nangagtitipon
Lagi Mong samahan habang panahaon.

Kami'y nakapulong Mo nang madalas,
Ngunit kailangan Ka hanggang wakas,
Mga biyaya Mo ay ipamalas
Pagpalai't tanggap kaming nanawag.

REFRAIN

Kami'y pagpalaing nangagtitipon
Lagi Mong samahan habang panahaon.

Sumaaming awit at pagpupuri,
Aming hinihingi'y Iyong kandili,
Kami'y umaasa sa 'Yong pagkasi
Bigyang kasiglaha't dingging parati.

REFRAIN

Kami'y pagpalaing nangagtitipon
Lagi Mong samahan habang panahaon.

0:00 0:00